Apat na batch ng Pinoy repatriates, sunud-sunod na dumadating ngayon sa bansa

61

Apat na flights na may sakay na 1,200 Filipino repatriates mula pa rin sa Middle East ang sunod-sunod na dumadating ngayon sa bansa.

Unang dumating ang 300 repatriates mula Dammam via Philippine Airlines flight PR683.


Sumunod ang 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) na mula naman sa Bahrain via Gulf Air flight GF154.

Alas-2:00 naman ngayong hapon dumating ang 300 repatriates mula Abu Dhabi via Etihad Flights EY424.

Alas-9:00 naman mamayang gabi ang dating ng huling batch na 300 repatriates mula Jeddah via Saudia Airlines flight SV870.

Noong nakalipas na linggo, umaabot sa mahigit 8,500 Pinoy repatriates ang dumating sa bansa.




Facebook Comments