Corn breeding program, ilulunsad ng gobyerno

Maglulunsad ang Department of Agriculture (DA) ng sustainable corn breeding program ngayong taon na bahagi pa rin nang isinusulong na food security ng gobyerno.

Layunin ng programang makapag-develop ng panibagong yellow corn varieties na malaking tulong sa mga magsasaka at para magkaroon din ng mas murang corn varieties para sa animal feeds.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, sa pamamagitan ng sustainable corn breeding program, aasahan sa loob ng dalawang taon na magkakaroon ng dalawang corn varieties na magiging commercialized.


Ang program ay titiyak din sa supply ng quality breeder para maging certified seed production ng seed growers.

As of 2020, mayroong 18 developed open-pollinated varieties o OPV corn varieties ang Cagayan Valley Research Center na naaprubahan at accredited ng National Seed Industry Council.

Ang Cagayan Valley Region ay isa sa lugar sa bansa na malaki ang produksyon sa yellow corn na umabot sa 31% ang kabuuang national production noong 2021.

Facebook Comments