PNP Chief Azurin, nagtalaga ng OIC kasabay ng pagdalo nito sa Interpol conference

Kaugnay ng pagdalo ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin sa International Police Organization conference sa Abu Dhabi.

Itinalaga nito si Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia bilang acting PNP chief.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, tumulak noong Linggo ang PNP chief papuntang Abu Dhabi para pangunahan ang 10-man delegation ng Pilipinas.


Sinabi ni Fajardo na sesentro ang pulong ng Interpol ngayong taon sa isyu ng human trafficking, cybercrime, kampanya kontra terorismo, iligal na droga at maraming iba pa.

Ang Interpol ay taunang pulong ng mga lider ng law enforcement units ng iba’t ibang mga bansa upang talakayin ang transnational crimes at magbahagi ng best practices para masugpo ang mga krimen.

Nabatid na magsisimula ang Interpol conference ngayong araw, February 7 at tataggal hanggang February 9, 2023.

Facebook Comments