Corn Farmers na Naapektuhan ng mga Nagdaang Kalamidad, Binigyan ng Livelihood Assistance!

Cauayan City, Isabela- Binigyan ng libreng livelihood assistance ng Kagawaran ng Agrikultura ang ilang corn farmers sa Lambak ng Cagayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay DA Regional Executive Director Narciso Edillo, sinabi nito na ang mga magsasaka lamang na mayroong isang (1) hectare pababa ang sinasaka at lubhang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad ang kanilang binigyan ng libreng livestock at poultry Livelihood assistance.

Kabilang din sa mga nabigyan ng libreng pangkabuhayan ay ang mga corn farmers na nalugi dahil sa tagtuyot.


Kaugnay nito, bawat household ay binigyan ng tig-isang Tandang at apat na inahing manok sa DA Regional Office.

Kinakailangan aniyang alagaan at palaguin ito ng mga natulungang magsasaka upang magkaroon ang mga ito ng karagdagang kita at makabawi rin sa pagkalugi sa mga nasirang pananim.

Ayon pa kay RD Edillo, ito’y bahagi pa rin ng “Ahon Lahat, Pagkaing Sapat o ALPAS” sa ilalim ng ‘Plan Plan Plan Program’ ng Department of Agriculture.

Facebook Comments