Coronavirus mutation sa Pilipinas, tatlo hanggang siyam na beses na mas nakakahawa – DOH

Mabilis na kumakalat sa iba’t ibang bansa kabilang ang Pilipinas ang D614G novel coronavirus mutation kumpara sa original virus na nadiskubre noong nakaraang taon.

Ayon kay Department of Health Technical Advisory Group (DOH-TAG) Dr. Edsel Salvana, ang nasabing COVID-19 mutation ay tatlo hanggang siyam na beses na mas nakakahawa.

Bagamat nakatuon ngayon ang mga bansa sa mga bagong variants, ang viral mutation na natagpuan noong 2020 ang nananatiling laganap at nagdudulot ng surge ng mga kaso sa iba’t ibang bahagi ng mundo.


Bukod sa Pilipinas, ang mahigpit na quarantine restrictions ay ipinatutupad din sa France, Italy, Germany, at Estados Unidos.

Ang pagtaas ng COVID-19 cases ay dulot ng hindi pagsunod ng publiko sa minimum public health standards.

Kung mabakunahan ang high-risk population, mababawan ng 90-percent ang bilang ng mga namamatay sa COVID-19.

Facebook Comments