Isang nurse mula Colorado, USA na nakaranas ng coronavirus ang nagbahagi ng kanyang kwento matapos niyang malagpasan ang hirap dulot nito
Nagpositibo si Lisa Merck sa kinatatakutang virus matapos umano siyang bumisita ng Hawaii para sa isang medical conference.
Ayon kay Merck, ang kanyang sintomas ay nagsimula lamang sa simpleng pagkakaroon ng ubo’t sipon.
Sabi niya, “We went to a medical conference over there and on the day we were going to leave I had little sniffles. That’s it.”
Nang makaramdam daw siya nang pananakit sa ilang bahagi ng katawan, dito na siya nagpasyang umuwi pabalik ng Colorado.
Pag-uwi ay sumakit na raw ang kanyang likod at kanyang mga buto.
“It felt like someone was stabbing me with an ice pick and I was like, ‘I wonder if I have the flu’,” aniya.
Makalipas ang ilang araw na nararanasan niya raw ang naturang sakit, humingi na raw siya ng tulong sa kanyang asawa na maidala siya sa ospital.
Sabado ng gabi nang nagpasugod siya sa emergency room kung saan mas lumala raw ang kanyang kalagayan at pakiramdam niya ay anumang oras ay babagsak umano siya.
“It’s nothing like I expected,” sabi niya.
Sa US, mayroon ng kabuuang bilang na 65 deaths at nasa mahigit 3,000 kaso na ng coronavirus.