Cosmic Carabao gin, pinababawi ng FDA sa merkado

Ipinag-utos na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagkumpiska sa Cosmic Carabao Gin.

Ito ay matapos makumpirmang mayroon itong mataas na lebel ng methanol.

Ayon kay FDA Center for Food and Regulation and Research Director Pilar Marilyn Pagayunan – lumabas sa lab test sa dalawa sa tatlong batch ng sample ang bagsak sa pamantayan ng FDA.


Ang unang batch ay may 40% na methanol content o 4,000 parts per million habang ang ikalawa naman ay may 31% methanol content.

Sobrang lagpas na ito sa standards ng World Health Organization (WHO).

Ang 500 parts per million pa lang ay itinuturing nang ‘severe toxicity’ o nakakalason.

Sa abiso ng FDA, pinatitiyak nito sa mga LGU at law enforcement agencies na hindi na maibebenta ang produkto sa lahat ng kanilang nasasakupan, maging online.

Facebook Comments