Cosmic Carabao Gin positibo sa pinakamataas na methanol content

Iniutos ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabawal at pagkumpiska sa natitirang Cosmic Carabao Gin sa merkado matapos mag-positibo sa pinakamataas na antas ng methanol ang mga sinuring sample mula sa nasabing produkto.

Ayon sa FDA Advisory No. 2018-188 na inilabas nitong Martes, “The samples of the product collected and subjected to FDA analysis were found positive for methanol.”

Hindi din pumasa sa standards ng FDA ang pinababawing alak at binalaan ang publiko sa maaring idinulot nito sa kanilang katawan.


“The FDA hereby warns the public on the consumption of the implicated product as this is currently unregistered and has been confirmed to contain a high level of methanol.”

Giit din ng ahensiya, wala silang binigay na certificate of production registration sa kumpanyang Juan Brew para maibenta sa pamilihan ang Cosmic Carabao Gin.

Pinaghihinalaan galing sa nasabing produkto ang lason na kumitil sa buhay ng isang babae matapos itong inumin kamakailan.

Ang methanol ay isang uri ng kemikal na matatagpuan sa ilang household products at fuel ng mga eroplano.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang kumpanyang Juan Brew kaugnay sa resulta ng pagsisiyasat ng FDA.

Facebook Comments