Time to Move on at magkaisa para sa tunay na kapayapaan!
Ito ang mariing inihayag ng mga opisyales mula Moro Islamic Liberation Front na kinabibilangan nina Bangsamoro Islamic Armed Forces Sammy Gambar at Implementing Panel Chairman Mohagher Iqbal matapos ang isinagawang plebesito sa Cotabato City may kaugnayan sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.
Nasa ilalim aniya tayo ng malayang bansa at malaya rin anila ang bawat isa sa kanilang mga desisyon lalo na sa eleksyon giit ng dalawang opisyales sa isinagawang Presscon ngayong umaga.
Nililinaw din ng mga ito na walang mga hinanakit ang mga ito sa mga pumabor sa NO sa isinagawang plebesito lalong lalo na sa Alklade ng Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi na naging Vocal sa kanyang paninidigan na ayaw mapasailalim ng BARMM ang syudad.
Kaugnay nito umaasa naman ang mga nasabing opisyales na irerespeto ng mga taga Cotabato City anu man ang mgagiging resulta ng isinagawang plebesito.
Kaugnay nito wala pang inilalabas na opisyal na resulta ang COMELEC ta nagpapatuloy pa rin ang ginagawang canvassing of votes. Sinasabing sa araw pa ng byernes January 25 2019, ihahayag ng Comelec ang mga resulta mula Cotabato City at ibat ibang bayan mula sa limang lalawigan ng ARMM.
Cotabateño hinimok na magkaisa para sa Kapayapaan
Facebook Comments