Cotabateño TOP 2 sa Radiologic Technologist Board Exam

Dumating na sa lungsod si John Mark Licaros Diwan, ang nag Top2 sa buong Pilipinas sa katatapos Radiologic Technologist Board Exam.

Sa panayam ng DXMY, inihayag ni Diwan na s’ya man ay hindi makapaniwala na naging top 2 s’ya.
Magkahalong lungkot, saya at kaba anya ang kanyang nararamdaman.

Masaya s’ya sa nakamit, malungkot dahil hindi na ito inabot ng kanyang ama na pumanaw noong isang taon.
Lubos naman ang naging kagalakan ng ina ni Mark na sa tagumpay na nakamit ng kanyang anak.


Si John Mark ay produkto ng L.R Sebastian Elementary School, Notre Dame of Cotabato at Dr. P Ocampo Colleges Inc. na nagtapos bilang Cum Laude.

Sinasabing tanging 2,338 out of 4,505 ang nakapasa sa Radiologic Technologist Licensure Examination na isinagawa noong July 28-29, 2019.

Facebook Comments