Top 2 at Top 10 Rapist sa Lalawigan ng Quirino, Arestado!

*Cauayan City, Isabela-* Arestado sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya ang dalawang katao na nasa Top 2 at Top 10 Provincial level na may kasong rape o panggagahasa sa bayan ng Diffun, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Victoriano Yarcia Jr., unang naaresto si Edgar Amuto, 25-anyos, binata, magsasaka na residente ng Villa Pascua, Diffun, Quirino.

Nahuli si Amuto sa ipinalabas na warrant of arrest ni Hon.Andrew Dulnuan, Presideng Judge RTC 31 ng Cabarroguis ng nasabing lalawigan na may criminal case # 3879-2019 sa kasong rape o R.A 7610.


Sa sumunod na operasyon ng PNP Diffun sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas rin ni hukom Dulnuan na may criminal case # 3890-2019 sa kaso rin na may kinalaman sa R.A 7610 ay nahuli ng pinagsanib na pwersa ng PNP Diffun at Aglipay si Niño Janggay, 23-anyos, binata at residente rin sa Barangay Villa Pascua, Diffun, Quirino.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. William Agpalza, hepe ng PNP Aglipay, hindi lang umano nagkaunawaan si Janggay at ng kanyang kasintahan kung kaya’t nauwi sa demandahan.

Posibleng mapawalang sala din si Janggay dahil nitong mga nakalipas na araw ay magkasama naman ang mga ito na dahilan upang iurong ang kaso laban sa suspek.

Facebook Comments