Tinanghal na Grand Champion sa RMN DXMY Video –K Challenge 2018 ang isang Barangay Secretary ng Lamod, South Upi Maguindanao.
Namayagpag mula sa walong singing contestants ang 29 anyos na si Lady Ann Palawan kasabay ng kanyang pangmalakasang kanta na Greatest Love of All .
Bago paman tanghaling Grand Champion sa DXMY Video K Challenge 2018, naging Grand Champion na rin ito sa Awit ng Tanghalan sa Upi Maguindanao noong 2004, at Singing Star of Upi noong 2006.
Samantala 1st Runner Up naman si Dante Saliling sa kanyang kantang I Know, ang 39 anyos na security at Watchman ng LGU Upi ay naging Grand Champion na rin sa 2016 Maguindanao Got Talent. 2nd Runner up ang istudyante ng Coland na si Gladys Alicante sa kanyang kantang Natatawa Ako.
Ang Video-K Challenge ng DXMY ay kabilang sa itinampok sa Todo Milyones Grand Draw noong araw ng sabado sa City Plaza. Nagwagi ng 20K si Lilibeth Caminade ng RH 10 Cotabato City habang winner din ng tig 5K sina Joylyn Debang ng Upi Maguindanao at Casmera Ember ng Rh 9 Cotabato City.
Lubos naman ang pagpapasalamat ni RMN Cotabato Station Manager Erwin Cabilbigan sa lahat ng mga nakiisa sa papromo ng DXMY at nakisaya sa City Plaza. Abot sa 60K na mga entries mula sa ibat ibang mga partner sponsors ang inihulog sa RMN Cotabato Todo Milyones Grand Draw.