Cotabateños nakiisa sa No Movement Day

Nanatili sa kani-kanilang mga tahanan ang mga residente at nagsara naman ng kanilang mga tindahan ang mga business establishment.

Ang pagpapatupad ng “no movement day” tuwing araw ng Linggo kung saan nagsimula kahapon ay alinsunod sa inilabas na executive order ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi.

Tanging mga behikulo na lulan ay anti-COVID-19 frontliners, police patrol cars at military KM 450 light trucks ay pinahihintulutang sa mga lansangan ng Cotabato city.


Isa lamang ito sa mga pamamaraan ng lokal na pamahalaan upang malaban ang COVID-19.

Samantala, ipinaalala ni Balquin na ngayong araw na ito na ng Lunes ang full implimentation ng ‘number coding’ sa mga sasakyan sa lungsod.

Ang mga sasakyan na pahihintulutan na bumiyahe ngayon araw ay yaong nagtatapos ang plate number sa numbers 1, 3, 5, 7, 9.

Hindi naman kasali sa ‘number coding’ ang mga frontliner at maghahatid ng essential goods sa lungsod.

Facebook Comments