Muling nagpahayag ng kanyang suporta si Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, OMI sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law o BBL na nasa ilalim ng bersyon ng Bangsamoro Transition Commission o BTC.
Sa kanyang pahayag sa Senate Consultative Committee na pinamagatang THE BTC-BBL: THE WAY TO A JUST AND LASTING PEACE, ipinaliwanag ni Quevedo na ang kanyang posisyon sa BBL ay produkto ng mahabang panahon niyang pag-aaral at pananaliksik sa kasaysayan ng mga Muslim sa Pilipinas.
Ayon sa Cardinal, matapos ng kanyang ginawang pag-aaral sa BTC-BBL, naniniwala siyang iginagalang nito ang integridad ng teritoryo ng Pilipinas at soberenya ng bansa.
Dagdag pa ni Quevedo tinutugunan ng BTC-BBL ang matagal ng hinaing ng mga mamamayang Bangsamoro tulad ng self-determination, identity at totoo at pangmatagalang kapayapaan.
Sinabi pa ni Quevedo na bilang kristiyano ay naniniwala siyang isinusulong ng BTC-BBL ang pagkakaisa at iginagalang ang karapatang pantao at paniniwala ng mga mamamayang Moro, Lumad at Kristiyano sa rehiyon.(Amer Sinsuat)
Cotabato Archbishop Quevedo muling nagpahayag ng suporta sa BTC-BBL
Facebook Comments