PNP, tiniyak ang kaligtasan ng pulis na ginulpi ng mag-amang Garin

440

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad ngayon ni PO3 Federico Macaya Jr., ang imbestigador ng Guimbal Municipal Police Station na pinosasan, dinisarmahan, sinipa, tinadyakan, sinampal at dinuraan pa sa mukha, ni Iloilo 1st District Congressman Richard Garin habang tinututukan naman ng armas ng kanyang ama na si Guimbal Mayor Oscar Garin Sr.

Ayon kay Iloilo Police Provincial Office Director Senior Superintendent Marlon Tayaba, personal na sinabi sa kanya ni PO3 Macaya kung saan binalaan niya ito na mag-ingat.

Ayon kay Tayaba, nakatanggap ito ng impormasyon na may mga rebeldeng grupo mula sa Negros Occidental na papatay sa pulis.

Napag-alaman na noong ginulpi ng mag-amang Garin si PO3 Macaya sa harap ng maraming tao sa bayan ng Guimbal, binalaan nila ang imbestigador na ipapapatay sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA).

Pagtitiyak ni Tayaba, kapag may mangyaring masama kay PO3 Macaya ay wala nang ibang sisisihin kundi ang mag-amang Garin na siyang huling nakaalitan nito.

Facebook Comments