Cotabato City awardee ng Seal of Child-Friendly Local Governance

23

Pinarangalan bilang Regional Awardee ng Seal of Child-Friendly Local Governance ang Cotabato City .
Sinasabing natatanging awardee ang City Government sa buong SOCSARGEN REGION.
Kaugnay nito kabilang na ang Cotabato City bilang National Finalist para sa 2017 Presidential Awardee of Child-Friendly Municipalities and Cities in Independent Component City Category.
Ang pagbibigay ng pagpapahalaga sa karapatan ng mga kabataan ang sinasabing isa sa naging basehan ng Department of Social Welfare and Development at Department of Interior and Local Government sa pagkilala sa mga inisyatiba ng Cotabato City Government.
Tinanggap ni Atty. Jars Guiani at CSWDO Cheribin Mena Viloria ang panibagong parangal ng City Government.

Facebook Comments