Sa courtesy visit ni Parang Mayor Dr. Ibrahim Ibay kasama ang Sangguniang Bayan members nito kay Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi, seryosong tinalakay ng dalawang local chief executives ang posiblidad na lalagda sa “sisterhood agreement” ang 2 local government units upang isulong ang kanilang magkaparehong interest partikular sa economic development, employment, peace and order.
Sinabi ni Mayor Sayadi na ang kainaman ng pagkakaroon ng sisterhood relationship ng 2 LGUs ay maaring isali ng city government ang qualified residents ng Parang na prayuridad sa employment.
Sa kasalukuyan kasi ay sinisiguro ng City government na 80 percent ng mga manggagawa sa mga bagong bukas na shopping centers sa lungsod ay mga lehitimong residente ng syudad.
Sa panig naman ni MaYOR ibAY, SINABI N’YA NA tutulong sila na makapaghanap ng angkop na lugar sa kanilang bayan na magsisilbing dump site para sa solid waste ng Cotabato City.
Cotabato City Government at Parang LGU sa lalawigan ng Maguindanao, palalakasin ang kanilang economic partnership!
Facebook Comments