Cotabato City government, hindi apektado sa pahayag ni PRRD na susunod na "sasabog" ang COTABATO!

Hindi ikinababahala ni Cotabato City Mayor Atty. Cynthia Guiani-Sayadi ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “sasabog” ang Cotabato dahil sa land disputes.

Sinabi ni Mayor Sayadi, wala namang binanggit si Pangulong Duterte na COTABATO CITY sa kanyang talumpati kundi “COTABATO”, hindi specific ang lugar, mayroon naman anyang South Cotabato at North Cotabato.

Sinabi pa ni Mayor Sayadi na wala namang naitatalang land conflicts dito sa Cotabato city na s’yang magiging dahilan ng kaguluhan sa pagitan ng mga land owner kaya walang nakikitang dahilan ang alkalde para mabahala o umalma sa naturang pahayag ng presidente.


Nitong weekend nang banggitin ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa closing ceremony ng Mindanao Business Conference sa Cagayan de Oro City na susunod sa Marawi city na “sasabog” ang COTABATO dahil sa land disputes. (photo from cotabatocity.net.ph)

Facebook Comments