Cotabato City Government, nagdaos ng Thanksgiving at Year-End Celebration!

Upang kilalanin at ipagdiwang ang hard work at mga pagsisikap na iniukol ng elected officials at government employees para sa taong 2017, isinagawa ng City Government of Cotabato ang Thanksgiving and Year-End Celebration.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia J. Guiani-Sayadi ang kanyang pagbati at pasasalamat sa bawat isa na nagsisilbi sa lokal na pamahalaan.
Sinabi pa n’ya na ang 2017 ay taon para sa lahat ng Cotabatenos makaraang makatanggap ng iba’t-ibang award ang local government at naging tanyag sa local at foreign investors.
Ayon pa sa punong ehekutibo, dahil sa naturang mga tagumpay ay asahan ang mas marami pang *oportunidad* na darating sa lungsod na mangangailangan din naman ng mas malaking trabaho kayat hindi dapat pakampante bagkus ay mas maging well-driven.(photo credit:cityLGU)

Facebook Comments