Cotabato City lalo pang uunlad ngayong taon!- Mayor Cynthia

36

Positibo si Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi na lalo pang lalago ang ekonomiya sa syudad ngayong taon.
Ito ang naging pahayag ng alklade kasabay ng pakikiisa ng Local Government Unit sa pagpasok ng Year of the Metal Rat o Chinese New Year.
Kahapon, isang programa sa Peoples Palace ang pinangunahan ni Mayor Cynthia at nilahukan ng Filipino Chinese Community ng syudad. Bagaman naging simple ang okasyon napuno pa rin ito ng kasayahan.
Sinasabing ito na ang ika- sampung taon sa ilalim ng Guiani Administation sa pakikiisa sa okasyon ng mga Tsinoy sa sa syudad.
Kaugnay nito nagpapasalamat naman ang LGU sa naging tiwala at suporta ng mga Fil-Chinese na mga negosyante sa patuloy na paglagak ng kanilang negosyo sa syudad.

Facebook Comments