Inilunsad ng City Government of Cotabato sa pamamagitan ng Local Council for the Protection of Children ang National Children’s Month sa Cotabato City Central Pilot School.
Kaugnay ito ng selebrasyon ng 25th National Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre.
May tema itong “Bata: Iligtas sa Droga”, na pokus ang pagpapatuloy ng mga pagsisikap ng iba’t-ibang sektor at ahensya na protektahan at iiwas ang kabataan mula sa pagkakalantad sa iligal na droga upang mailayo sa kapahamakan.
Sa naturang okasyon, binigyang diin ni City PNP Dir. Senior Supt. Rolly Octavio na ipapatupad nila ang batas na naglalayong hulihin ang lawless entities na sangkot sa drug-related activities.
Inihayag naman ni City Administrator Dr. Danda Juanday na suportado nila ang pagkamit sa drug-cleared community.
Iprenisenta din nito ang mga datos patunay na suportado ng lokal na pamahalaan ang naturang kampanya.
Hinikayat din ni Dr. Juanday ang mga magulang at guro sa kanilang mga responsibilidad na bantayan ang mga bata upang magarantiya ang kaligtasan ng mga ito at ng kabataan laban sa illegal drugs.
Cotabato city, lumahok sa 25th children’s month!
Facebook Comments