Malapit nang maisakatuparan ang dalawang pinakamalaking proyekto sa Cotabato city dahil ilang hakbang nalang ito mula sa approval ng national government.
Inaprubahan na kasi ng ng Regional Development Council XII ang konstruskyon ng bagong Cotabato City airport at seaport matapos ang mga serye ng mga deliberasyon, i-eendorso na rin ito sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Ang naturang mga proyekto ay ipapatupad sa pamamagitan ng public-private partnership kasama ang Shenzen Construction, Chinese company na kamakalilan lamang ay bumisita sa syudad at nagpahayag ng commitment sa naturang mga proyekto.
Ang seaport ay ilalagay sa paanan ng Timaco Hill sa Barangay Kalanganan 2 samantalang ang airport ay sa Barangays Tamontaka 2 at 3.
Magsisilbing ‘terminal 2’ ng Awang airport na nasa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ang bagong city airport.
Ang nabanggit na mga proyekto ay sumailalim *sa* masusi at malawak na *feasibility study * ng technical working group ng city government at ng kanilang consultants na inaprubahan naman ng infracom committee ng RDC-12.
Cotabato City, magkakaroon na ng air at sea ports!
Facebook Comments