Cotabato City, may bagong LEGAL OFFICER!

36

Kinumpirma ng 15th Sangguniang Panlungsod ang appointment ni Atty. Rico S. Pelandoc bilang City Legal Officer sa kanilang 86th regular session. Nagkaisang inaprubahan ng konseho sa pangunguna ng kanilang chair na si City Vice Mayor Graham Nazer Dumama ang kumpirmasyon ni Atty. Pelandoc sa pagsasabing karapat-dapat ito sa posisyon. Sinabi ni City Vice Mayor Dumama na matagal na nilang kilala si Atty. Pelandoc bilang masipag at masigasig na government employee mula pa noong 2001 hanggnoong maging Assistant City Legal Officer ito noong 2010. Nagpasalamat naman si Atty. Pelandoc sa City Government sa pagpapahalaga, pagkilala at pagsuporta sa kanyang mga pagsisikap.

Facebook Comments