Cotabato City,may pinakamalaking bank deposits!

49

Base sa record ng Philippine Deposit Insurance Corporation, Cotabato City ang may pinakamalaking bank deposits sa lahat ng component cities sa Region XII. Sa halagang mahigit sa P18B na nagsi-circulate sa syudad ay makikita na ang Cotabato City ay patuloy sa pag-unlad. Ayon sa City government, nagpapakita lamang ito na mas kumpyansa na ang mga tao na maglagak ng pera sa lungsod kasunod ng pag-inam ng peace and order situation sa syudad at ang paglago ng economic activity. Tiyak na mas marami pa umanong pera at investments ang bubuhos ngayong 2018 at sa mga susunod pang mga taon sa Cotabato City. Ilang hakbang na lamang ay mararating na ng lungsod ang pagiging highly urbanized city.

Facebook Comments