Tatlong araw bago ang Pasko, nakatanggap ng Aguinaldo mula sa Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi ang tinatayang nasa 15,000 Cotabatenos na kapos-palad para sa kanilang noche buena.
Sa maikling mensahe ng alkalde, sinabi n’ya na ang Pasko ay hindi lamang para sa mga kapatid na Kristiano kundi ito ay para sa lahat.
Binigyang diin ni Mayor Sayadi na ang panahon ng kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan, pagkakaisa at pagmamahalan.
Inihayag din ng Ina ng Cotabato City sa kanyang constituents ang mas maunlad pa na Cotabato city sa susunod na dalawang taon.
Bagamat ang mithiing ito ay tinatamasa na ng Cotabatenos, umaasa pa rin si Mayor Sayadi na patuloy na makibahagi ang mamamayan ng syudad sa pagpapaunlad at pagpapabuti sa lungsod.
Sa pagtatapos ng pananalita ni Mayor Sayadi ay binati nito ang lahat ng maligayang Pasko at masayang pagsalubong ng bagong taon ng 2018.
Cotabato city Mayor Sayadi, namahagi ng Aguinaldo sa mga kapos-palad!
Facebook Comments