Cotabato City Mayor Sayadi, suportado ang MRRD-NECC!

Nagpahayag ng kanyang buong suporta si Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi sa Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), grupo ng mga pro-Duterte sa buong bansa na sumusuporta sa mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa kanyang pagsusulong ng pederalismo, kampanya kontra-droga, kriminalidad at kurapsyon.
Sa courtesy call ng mga opisyales ng MRRD-NECC Regions 12 and ARMM-A sa tanggapan ni Mayor Sayadi, binigyang diin ng alkalde na sumusuporta s’ya sa MRRD-NECC dahil alam n’ya na ang grupo ay hindi politicized at ang pakay nito ay isulong ang mga magagandang programa ng administrasyon.
Sinabi pa ni Mayor Sayadi na ni minsan ay hindi s’ya umanib sa ano mang political party upang makaiwas na matawag na “political butterfly”, hindi rin s’ya sumama sa ibang pro-Duterte groups.
Bilang pagpapakita ng kanyang suporta sa MRRD NECC, pinahintulutan ito ni Mayor Sayadi na mag-organisa ng mga miyembro sa 37 mga barangay ng Cotabato city.

Facebook Comments