Cotabato City nagdiriwang ng Diamond Year

Libo- libong mga Cotabateño ang nakiisa at nakisaya sa pagdiriwang ng Diamond Year ng Cotabato City.

Sinimulan ang pagdiriwang ng isang parada mula CCSPC Ground patungong City Plaza.
Pinangunahan ang selebrasyon ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani kasama ang iba pang mga opisyales ng syudad.

Tema ng 60th Year Celebration ay “60 Years of Hardwork, Commitment and Dedication to Development and Progress”. Deklarado ring Special Non Working Holiday ngayong araw sa buong syudad kasabay ng pagdiriwang.


Kaugnay nito ,bilang pakikiisa sa selebrasyon, naglabas na rin ng advisory ang Office of the Chief Minister ng BARMM na wala ring pasok sa lahat tanggapan sa BARMM na nasa Cotabato City, ibig sabihin wala ring pasok ang mga nagtatrabaho sa mga ahensyang o tanggapan ng BARMM na nasa Cotabato City

Samantala, maituturing naman na isang magandang regalo para sa LGU Cotabato at mga Cotabateño ang panibagong parangal na nakuha ng syudad, itoy matapos kilalanin bilang 2018 Top 4 Competitive City sa buong Mindanao .

Facebook Comments