Cotabato City nagpatupad ng Lockdown kontra ASF

Nagtatupad ng total lockdown ang Cotabato City Government upang maiwasan ang pagpasok ng live at processed meat sa syudad kasunod ng outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa Davao Occidental at iba pang bahagi ng Mindanao.

Sa pamamagitan ng executive order, ipinag-utos ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi sa City Veterinary Office at sa iba pang city government agencies kabilang ang kapulisan at militar na ipatupad ang lockdown.

Hindi makakapasok sa syudad ang mga buhay na baboy at processed meat products maliban kung may maipapakitang permits ang nagdala sa mga ito.


Sa mga seaports at checkpoints ay mayroong personnel mula sa agriculture at city veterinary na s’yang magsasagawa ng istriktong pag-iinspeksyon.

Sinabi ni City Veterinarian Dr. Robert Malcontento na ipinapatupad ang temporary lockdown upang maprotektahan ang bawat isa at ang mga alagang hayop sa syudad.

Kaugnay nito wala pang namomonitor na kaso ng ASF sa mga alagang baboy sa syudad, ayon kay Dr. Malcontento.

Ipinabatid naman nito kung paano malalaman kung may ASF ang alagang baboy.
Anya, kabilang sa mga sintomas ng impeksiyon ng ASF ang pagkawala ng gana sa pagkain, pamumula ng balat, pagsusuka, pagtatae, pagkaroon ng lagnat.

Nakahahawang sakit sa mga baboy ang ASF subalit hindi ito direktang nakahahawa sa mga tao.

Sa ngayon, wala pang natutuklasan na gamot o lunas para mapagaling ang baboy na may African Swine Fever.
City PNP Pic

Facebook Comments