Cotabato city naka "Blue Code Alert" na.

Nasa Blue Code Alert na ang Cotabato City LGU isang araw bago ang Undas. Ipinag-utos ni Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi sa City Disaster Risk Reduction and Management Council na maging handa dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga tao papunta sementeryo bukas.
Anya kailangan in-place na ang mga Rsponse team na handang tumugon sa anumang mangyayari ay mag-assist sa mga kababayan habang nasa sementeryo.
Kasado narin ang security plan ng city PNP kasama ang Task Group Cotabato para matiyak ang kaligtasan ng mga cotabatenyo..Nirequest narin ni mayor Cynthia sa Colight na lagyan ng ilaw ang loob ng sementeryo para maging maliwanag sa gabi ng Undas.
Hangad ng alkalde na maging matahimik ang paggunita ng Undas.

Facebook Comments