Pulis na nasa likod umano ng pagdukot at pagpatay kay casino operator Carlos Tan, pinaghahanap na

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng pulisya ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na lider ng Kidnap for Ransom Syndicate na nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa isang casino junket operator na si Carlos Tan.

Ayon kay PNP Chief PDG Ronald Dela Rosa, kinilala ang naturang opisyal na si Police Supt. Johnny Orme na nakatalaga sa Southern Police District (SPD).

Si Orme ay itinuro ng sumukong miyembro ng sindikato na si SPO1 Benjamin Pagaringan na unang sumuko matapos mapatay ang tatlo pang pulis at isang sibilyan na sangkot sa kidnapping at pagpatay kay Tan sa engkwentro laban sa PNP-Anti Kidnapping Group sa Carmona, Cavite.


Tinukoy ni Pagaringan si Orme bilang lider ng sindikato, habang isa namang Alex Gozum ang siyang financier ng sindikato.

Napag-alaman pa na matagal nang tumatambay sa mga casino si Orme, at nagpi-finance rin ng mga casino player, at siya ay kapartner ni Alex Gozum.

Facebook Comments