Walang confirmed cases, walang Persons Under Investigation (PUI) at Person Under Monitoring (PUM) sa Cotabato city, sa kabuuan nananatiling Coronavirus Disease (COVID-19) free ang syudad.
Gayunpaman, sinabi ni Cotabato City Health Officer Dr. Meyasser Patadon na hindi sila nagpapakampante at gumagawa pa rin ng mga hakbang upang mapigilan na makapasok sa lungsod ang naturang virus.
Sa katunayan agad na bumuo ng ng Cotabato City Task Force on Corona Virus alinsunod sa kautusan ni Mayor Chynthia Guiani-Sayadi upang pangunahan ang mga pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa pagtugon sa sitwasyon sa pamamagitan ng pagbalangkas ng mga polisiya, istratehiya at action plans.
Sinabi pa ni Dr. Patadon na pina-iigting din nila ang kanilang information campaign tungkol sa COVID-19 sa 37 mga barangay sa Cotabato City sa pamamagitan ng health workers.
Sinabi pa ni Dr. Patadon na kahit COVID-19 free ang Cotabato City ay naka-red alert status pa rin ang City Health Office, naka-heightened ang surveilance sa lahat ng barangay sa lungsod para sa early detection ng posibleng kaso ng virus.
Kung sakali namang magkaroon na ng suspected cases ang syudad ay paiigtingin naman ang contact tracing upang ma-contain ang paglaganap ng sakit.
Required din ang bawat barangay na mag-organisa ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).
Ang (BHERT) ang nagsasagawa ng monitoring at pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19.
Responsibilidad nito na bisitahin sa kanilang lokalidad ang mga bahay ng mga dumating na pasahero mula sa mga coronavirus-infected country.(Daisy Mangod)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>