Cotabato City, nakiisa sa pag-obserba ng World Aids Day!

Sa gitna ng festive-mode ng Cotabatenos kaugnay ng Shariff Kabunsuan Festival, ang City Government of Cotabato sa pamamagitan ng Office on Health Services (OHS) ay nakiisa sa pag-obserba ng World Aids Day nitong Sabado.
Kababaihan, mga miyembro ng LGBT Community, city government employees at iba pang stakeholders ang nagsama-sama upang tuldukan ang stigma hinggil sa HIV/AIDS at simulan ang komunidad na maalam at proactive.
Binigyang diin ng OHS ang kahalagahan ng pagpapa-tingin ng isang indibidwal, tulad ng pagpapa-check ng kalagayan ng kalusugan.
Napag-alaman na ang Cotabato City ay naiulat na may 19 na kaso ng indibidwal na nagkaroon ng HIV/AIDS noong 2016 kung saan 1 kaso ang naitala bawat buwan.
Bunsod nito, nananawagan ang pamahalaang lungsod na maging maingat lalo na kung nakikipagtalik sa higit sa isa.
Sinabi ni City Administrator Dr. Danda Juanday na ang city government at umaayuda sa pangangailangang medikal ng mamamayan nito, dahil dito umaasa ang opisyal ng malulusog na constituents at malusog na komunidad.

Facebook Comments