Cotabato City nakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year

Nakiisa sa pagsalubong at pagdiriwang ng Chinese New Year ang Cotabato City LGU.

Nanguna sa selebrasyon na isinagawa sa Peoples Palace si Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani kasama ng iba pang mga opisyales ng syudad, baranggay , mga negosyante at mga residenteng tsinoy .

Pinasaya ang okasyon ng ibat ibang mga aktibidad na inilatag kabilang na ang culinary arts competition na itinampok ang chinese cuisine, sing and dance competition, mga performances , electronic visual display at pagpapalipad ng chinese lanterns. Bumuhos rin ang pamamahagi ng Tikoy.


Lubos namang pinasalamatan ni Mayor Cyn ang chinese community sa syudad lalong lalo na sa mga negosyante na walang sawang nagtitiwala para maglagak ng kanilang negosyo sa Cotabato City. Sinasabing malaki ang naimbag ng Chinese Traders sa paglago ng investment sa syudad.

Kaugnay nito umaasa City LGU na magiging maganda at makapamuhay ng mapayapa ang lahat sa Year of the Earth Dog.

Dong Ang Pics







Facebook Comments