Tulad din ng pagsalubong ng bagong taon ng mga Pinoy, sumisentro rin sa PAMILYA ang pagdiriwang ng new year ng mga Chinese.
Ayon kay Cotabato City Grocers Association Pres. Oscar Tan-Abing, nagsisilbing reunion ang okasyon, nagsasama-sama ang mga miyembro ng pamilya at sama-samang kumakain, nagpapalitan ng mga regalo.
Naiiba na ang pagdiriwang ng mga Tsinoy dito sa Cotabato kumpara sa mainland China kung saan may binibigyang diin ang mga sariling tradisyon, kaugalian at mga seremonya at ritwal nila dagdag pa Tan-Abing sa panayam ng DXMY.
Sa Cotabato City, taon-taon ay binibigyan nagkakaroon ng espesyal na pagsalubong ng Chinese New Year sa pangnguna ng City Government bilang pagkilala sa malaking ambag ng mga Tsinoy sa ekonomiya ng syudad.
Nagkakaraon ng parada at dragon dance na sinasaliwan ng dagundong ng mga tambol at may makulay na fireworks din.
Sa paniniwala ng mga Intsik, ang dragon dance at mga paputok ay nagtataboy ng masasamang espiritu at pagsalubong naman sa magandang kapalaran at kasaganahan sa Bagong Taon.
Positibo rin si Tan-Abing sa pagpasok ng Year of the Metal Rat.
Samantala, nakalatag naman ang ibat -ibang aktibidad sa Cotabato City kasabay ng pagsalubong ng selebrasyon na inaasahang lalahukan ng mga Chinese Filipino Community at pangungunahan mismo ni City Mayor Atty. Cynthia Guiani Sayadi.
CM Pic