Cotabato City, natamo ang Zero Maternal at Neonatal Tetanus!

Muli na namang kinilala ng Department of Health ang Cotabato City sa larangan ng kalusugan, ito’y dahil natamo nito ang zero maternal and neonatal tetanus.
Bilang natatanging LOCAL GOVERNMENT UNIT sa buong rehiyon dose, matagumpay na nasawata ng Cotabato city ang mga kaso ng impeksyon o tetanus sa mga nanay at bagong silang na sanggol ayon sa DOH.
Ang city LGU sa pamamagitan ng Office on Health Services ay napagtagumpayan nito ang naturang adhikain sa pamamagitan ng intensive information dissemination at pagkalinga sa mga buntis.
Ngayong taon, binuksan ang ilang state-of-the-art birthing facilities sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod.
Ipinatutupad din ng Cotabato City LGU ang inclusive programs na nangangalaga sa pangangailangan ng mamamayan, maliban pa sa patuloy na pag-develop sa infrastructure at iba pang government facilities.

Facebook Comments