Cotabato city PNP, alerto kaugnay ng Sharif Kabunsuan Festival at holiday season!

All set na at nakalatag na ang ipatutupad na security measures ng Cotabato city PNP kaugnay ng paparating na holiday season at Sharif Kabunsuan festival kung saan iba’t-ibang makukulay na aktibidad ang isasagawa sa syudad.
Sinabi sa RMN-Cotabato ni City PNP Dir. Sr. Supt. Rolly Octavio, sa ngayon ay mataman silang nakikipag-ugnayan sa kanilang counterpart sa iba’t-ibang ahensya sa pagpapatupad ng seguridad para bigyan ng ligtas na suguridad ang publiko.
Bunsod nito, inaasahan na ligtas ang mga lugar na madalas na puntahan ng mamamayan, tulad ng simbahan, parke, mall, at iba’t-ibang terminal sa syudad.
Posible rin na magpapakalat ang PNP ng road safety marshal na aayuda naman sa daloy ng trapiko at magtatalaga ng police assistance desk sa mga mall, at mga bus terminals.

Facebook Comments