Nasa ilalim pa rin ng pamamahala ng Region 12 ang Cotabato City !
Ito ang masayang ipinarating ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi kasabay ng isinagawang Press Conference sa Peoples Palace ngayong araw kaugnay naman ng usapin sa status ng syudad .
Ito aniya ang naging resulta matapos ang pakikipagpulong kay Presidente Rodrigo Roa Duterte kasama ang mga opisyales ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nakapagpaabot na rin aniya sila ng position letter sa Pangulo para na rin mapag-aralan nito ang magiging kahihinatnan ng syudad sakaling mapasailalim sa BARMM.
Madami pang kailangang unahin at ayusin ang BARMM bago isipin ang pagsakop sa syudad giit pa ni Mayor Cynthia. Kabilang na rito ang pagbuo nila ng Admin Code dagdag pa ng Alkalde.
Kaugnay ito, bukod sa LGU, nasa ilalim pa rin ng Region 12 ang City PNP at City Schools Division dagdag pa ni Mayora.
Samantala, agad namang pinulong ni Mayor Cynthia ang kanyang mga Department Heads para maisigurong patuloy na maipaabot ang mga basic services ng City Government sa mga taga syudad.
Matatandaang sa ilalim ng Administrasyon ni Mayor Cynthia humakot ng kaliwat kanang parangal sa Regional maging sa National ang Cotabato City Government.
Binigyan naman ng hanggang December 2020 ang BARMM at City Government para sa gagawing Transition.
Cotabato City sa ilalim pa rin ng Region 12!- Mayor Cynthia
Facebook Comments