Makikiisa ang Cotabato City sa Global Hand Washing Day na itinakda sa syudad sa October 17 taong kasalukuyan.
Ayon kay G. Alex Matugas Water Sanitation and Hygiene Focal Person ng DepED-Cotabato Division, mayroon na silang 105 units ng hand washing facilities na 6 na metro ang haba kada unit, aabot ito ng 2 kilometro at inaasahang dadaluhan ng 4, 500 partisipante ang aktbidad.
Ilalatag ang hand washing facilities mula City Hall ground hanggang sa harapan ng Sero Central Elementary School kaya kinakailangang pansamantala munang isara sa mga motorista ang Sinsuat Avenue.
Sinabi pa ni G. Matugas, kauna-unahan sa kasaysayan ng Pilipinas ang isasagawang City wide at longest Hand Washing facility at target nila na mapasama ang Cotabato city sa Guinness World Records sa may pinakamahabang hand washing facility at may pinakamaraming kalahok.
Ipinaliwanag din ni G. Matugas ang kahalagahan ng pagsasagawa ng hand washing day, anya, paalala ito sa lahat hinggil sa tamang paghugas ng kamay lalong-lalo na sa mga bata.
May mga nakukuhang sakit sa hindi paghugas ng kamay lalo na bago kumain at pagkatapos gumamit ng kubeta tulad ng diarrhea, intestinal at borne diseases na kadalasang sanhi ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral na sya namang dahilan ng pagbaba ng kanilang performance at maging ng eskwelahan sa kabuuan.
Cotabato city, target mapasama sa Guinness World Records na may pinakamaraming kalahok sa Global Hand Washing Day!
Facebook Comments