Itinanghal ng Department of Tourism ang Cotabato City Tourism Promotion Board (TBP) bilang isa sa BEST TOURISM ORGANIZATIONS sa buong region-12 para sa taong 2017.
Umasiste ang city government sa TPB upang palakasin ang tourism potentials sa syudad sa pamamagitan ng pangunguna ng pagsagawa ng tourism related activities.
Simula nang maitatag nitong unang bahagi ng 2017, ang TPB sa pamumuno ng Chairwoman Bai Sandra Siang, naging aktibo ito sa paglahok sa festivals sa lungsod.
Ngayong paparating na Shariff Kabunsuan Festival 2017, pinangangasiwaan ng TPB ang pagpapalabas ng stage play na pinamagatang “The Coming”, ito’y kwento ng pagdating ng Johorean missionary na si Shariff Mohammad Kabunsuan sa baybayin ng Rio Grande upang palaganapin ang relehiyong Islam sa native settlers.
Kaugnay nito, binabati ni Cotabato City Moyor Atty. Frances Chynthia Guiani-Sayadi ang mga miyembro ng Tourism Promotion Board sa kanilang mga pagsisikap at sa tagumpay nito.
Cotabato City Tourism Promotion Board , kinilala bilang isa sa BEST TOURISM ORGANIZATIONS!
Facebook Comments