Cotton candy pizza – mabibili na sa Japan

45

Tokyo, Japan – Isang bagong flavor ng paborito nating pizza ang inilabas kamakailan sa isang German-themed restaurant sa Tokyo, Japan.

Tinawag itong “cotton candy pizza” dahil sa halip na mga classic ingredient gaya ng prosciutto, pineapple, hotdogs, peppers or tomato sauce – honey at cotton candy ang toppings nito!

Ayon sa pamunuan ng Schmatz beer dining, inilabas nila ang kakaibang flavor ng pizza bilang bahagi ng selebrasyon ng cherry blossom season sa Japan.

Pero bukod sa nakakatakam na cheese at cotton candy pizza ng Schmatz, popular rin dito ang kanilang gold-covered pizza na mabibili sa halagang 2,000 dollars na katumbas ng mahigit 100-libong piso! 

Facebook Comments