COUNCIL RESOLUTIONS PARA SA DRRMC SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, TINALAKAY

Tinalakay sa ginanap na 4th quarter LDRRM Council Meeting ang iba’t-ibang Council Resolutions ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) para sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Ipinaliwanag sa nasabing Council Meeting ang nakahandang mga agenda tulad ng Council Resolution for the adoption of the Revised Contingency Plan, Council Resolution for the PDRRMC chairman to undergo MOA signing on behalf of the council for Mass Casualty Incidents, at Council Resolution to extend financial assistance to hard hit provinces.
Bahagi rin ng talakayan ang paglatag ng mga naisagawang mga disaster risk reduction operation, rescue at relief operations na katuwang ang PNP.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga kasamang ahensya sa pagpapatupad ng mga Council Resolutions para sa mga Pangasinense. |ifmnews
Facebook Comments