Councilor Salcedo Foronda ng Cauayan City, Inayawan ang Pagkandidato para sa Posisyong Board Member ng Isabela!

*Cauayan City, Isabela-* Inayawan ni Sangguniang Panlungsod Member Salcedo Foronda ang pagkandidato sa susunod na halalan para sa posisyong Board Member ng Lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay SP Member Salcedo Foronda, na nagagalak umano ito dahil matatapos na niya ang kanyang tatlong huling termino bilang isang konsehal ng Lungsod ng Cauayan.

Aniya, kinakailangan na rin umanong mabigyan ng pagkakataon ang ibang tao na gustong magserbisyo para sa kanilang kapwa.


Bagama’t nais rin umano ng kanilang grupo na dapat manggagaling rin sa kanyang pamilya ang papalit sa kanyang pwesto subalit nilinaw ni Councilor Foronda na hindi pa umano handa ang kanyang mga anak para sa responsibilidad ng isang konsehal.

Ayon pa kay Councilor Foronda na si Councilor Arco Meris na umano ang napiling kakandidato para sa Board Member ng Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments