Manila, Philippines – Lusot na sa huli at ikatlong pagbasa sa Kamara ang panukalang tutugon sa Counseling Program at Career Guidance para sa mga secondary schools.
Layon ng House Bill 5776 o Secondary School Career Guidance and Counseling Act, na mabigyan ang mga estudyante ng maayos na direksyon sa pagpili ng haharaping kurso para sa kanilang college education.
Sa pamamagitan nito, maitatatag ang National Secondary School Career Guidance and Counseling Program (CGCP) na siyang pamumunuan naman ng Department of Education (DepEd).
Facebook Comments