Mas paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang counseling program sa mga pulis.
Kasunod na rin ito nang pag-aamok ng isang pulis sa loob ng Taguig City Police Station na ikinasawi ng isa niyang kasamahan.
Ayon kay PNP Chief General Benjamin Acorda Jr., may mga pulis na dumaranas ng depression, base na rin ito sa impormasyon mula sa kanilang Health Service.
Dahil dito, ipare-review niya ang Neuro Psychiatric test ng mga pulis.
Nabatid na ang barilan sa Taguig City Police Station ay nag-ugat sa ulam na sinigang na baboy.
Nag-amok kasi ang suspek matapos malaman na sinigang na baboy ang ulam na niluto ng kanilang cook na mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang relihiyon.
Facebook Comments