Courier ng Fajardo drug syndicate, patay sa engkwentro sa Calauan, Laguna

Patay ang itinuturing na number 1 most trusted courier at miyembro ng Fajardo drug group matapos maka-engkwentro ng mga pulis at tauhan ng PDEA sa Calauan, Laguna.

Ang Fajardo drug group ang nangungunang drug group syndicate na tinututukan sa Region 4.

Kinilala ang suspek si Arwin Ortiaga habang nakatakas naman sa operasyon ang isa nitong kasamahan.


Alas dos kaninang madaling araw nang ikasa ng mga otoridad ang buy bust operation.

Pero natunugan ito ni Ortiaga sabay bunot ng baril at pinaputukan ang ka-transaksyong pulis.

Nakaganti naman ang pulis at napuruhan ang suspek.

Narekober sa lugar ang isang kalibre 45 baril at isang bag ng shabu na nagkakahalaga ng P350,000.

Facebook Comments