Courtesy call ng DZXL Radyo Trabaho sa PESO Makati, aarangkada na ngayong araw

Tuloy na tuloy na ang pinakahihintay na courtesy call visit sa Makati Public Employment Service Office (PESO).

Ito na ang pinakahuling PESO sa National Capital Region na bibisitahin ng DZXL Radyo Trabaho Team.

Pangungunahan ng DZXL Radyo Trabaho Station Manager Buddy Oberas ang pagharap kay Makati PESO Officer-in-Charge Josephine Camata-Copada Pada mamayang alas-9:00 ng umaga.


Ayon kay DZXL Radyo Trabaho Head Lou Panganiban, October 2019 nang huling nag-courtesy visit ang Radyo Trabaho Team sa tanggapan ng Makati City PESO at ni Vice Mayor Monique Lagdameo.

Ilang job fair na rin ang na-cover natin sa Makati PESO at naging katuwang natin sila sa isinagawang mini at mega job fair ng DZXL Radyo Trabaho noong 2019.

Bukod diyan ay nakatanggap na ang DZXL Radyo Trabaho ng pagkilala sa Makati PESO sa kanilang partners in service appreciation day.

At ngayong araw nga ay muling bubuhayin ng courtesy visit na ito ang nasimulang ugnayan natin sa Makati PESO.

Facebook Comments