JAPAN – Inaabangan na ngayong huling araw ng kanyang state visit sa Japan ang nakatakdang pagharap ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Emperor Akihito mamayang alas 5:00 ng hapon sa Shohiro-Ma imperial palaceKasunod nito, aabangan din kung masusunod ba ng Pangulong Duterte ang protocols sa pagharap sa Japanese Emperor.Kasabay kasi ng pagbisita ng Pangulo sa Japan ay ang paglabas sa mga news articles ukol sa pag-aalala ng ilang Japanese officials sa magiging asal ng Pangulong Duterte sa kanyang courtesy call sa kanilang Emperador.Kabilang sa mga napuna ng ilang Japanese officials na sana ay hindi gawin ni Pangulong Duterte sa harap ng kanilang Emperor ay ang pag-nguya ng chewing gum, hindi maayos na pagsusuot ng kanyang damit at pagsusuot lang ng maong na pantalon.Samantala, bago ang pagharap sa Emperor ng Japan, dadalo muna si Duterte sa pananghaliang inihanda ng Yokohama City Government and the Ministry of Foreign Affairs na masusundan naman ng pagbisita sa Japan coast guard.Magkakaroon din ng magkakasunod na courtesy call sa kanya si japan International Cooperation Agency o JICA President Shinichi Kitaoka, gayundin ang Marubeni at Sumimoto Mitsui Banking Corporation.6:15 ng gabi, nakatakdang lumipad ang eroplanong sasakyang ni Duterte sa Haneda International Airport, patungong Davao International Airport.
Courtesy Call Ni P-Duterte Kay Japanese Emperor Akihito Ngayong Araw, Inaabangan Na – Digong , Pinaalalahanan Sa Pagsusu
Facebook Comments