Inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., na ipatutupad na nila ang courtesy resignation ng 18 opisyal na dinadawit sa iligal na droga.
Ayon kay Acorda, na nagpulong na sila ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kaugnay sa courtesy resignation.
Dito, tinanggap ni Acorda ang mga dokumento na pirmado mismo ng pangulo.
Dahil pirmado na, tuluyan nang aalisin sa serbisyo ang 18 mga pulis.
Sinabi naman ni Acorda, na limitadong benepisyo na lang ang matatanggap ng mga ito.
Facebook Comments