COVAX Facility, inalok ang DOH na palitan ang mga bakunang malapit ng ma-expire

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na inalok ng World Health Organization (WHO) COVAX Facility ang kagawaran na palitan ang COVID-19 vaccines na ibinigay nila sakaling mag-expire bago gamitin.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairman at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sapat ang vaccine supply ng bansa hanggang sa katapusan ng taon.

Aniya, umaasa siyang magagamit ang mga ito bago ma-expire.


Una nang sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mayroong P40 billion na halaga ng COVID-19 vaccine ang posibleng masayang lang dahil sa mababang bilang ng mga nababakunahan.

Facebook Comments