Coverage ng 2022 Bar examination, inilabas na ng Korte Suprema

Inilabas na ng Korte Suprema ang coverage ng 2022 Bar examinations kung saan si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, chairperson ng Bar exams ngayong taon.

Sa Bar bulletin na inisyu ni Caguioa, ibabalik na muli sa apat na non-consecutive days ang pagdaraos ng pagsusulit gaya ng nakagawian.

Ang mga araw ng eksaminasyon ay sa loob lamang ng dalawang linggo.


Iaanunsiyo naman sa mga hiwalay na Bar bulletin ang mga eksaktong petsa ng Bar exams at ang mga lugar na pagdarausan nito.

Matatandaan na sa katatapos na 2020-2021 Bar exams ay iniklian sa dalawang araw ang pagsasagawa ng pagsusulit dahil sa pandemya.

Samantala, inilatag din ni Caguioa ang core Bar subjects para sa 2022 Bar exams.

Ang mga ito ay ang Political and International Law, Labor Law, Criminal Law, Commercial Law, Civil Law I, Civil Law II, Remedial Law I at Remedial Law II and Legal Ethics.

Ipatutupad din ang three-examiner policy sa Bar exams ngayong taon dahil sa dumaraming bilang ng examinees.

Facebook Comments